Sabado, Enero 14, 2017

Dalawang klasi ng tao

May dalawang klasi ng tao ito ay ang INTROVERT at EXTROVERT


INTROVERT

*Sila yung mga tao na masaya kapag mag-isa sila yun ang tinatawag na  happiness para sa kanila. Pagmag-isa sila dun nila nagagawa ang gusto nila na walang pipigil sa kanila or magjujudge kaya mas ginugusto nila mapag-isa kesa makipag socialize takot kasi sila na sabihan ng ibang tao na masama laban sa kanila.


*Ayaw nilang nakikipag usap or interactions sa iba pwera nalang kung close nila. Sila yung taong ayaw kumausap sa hindi kakilala or mga strangers. Hindi rin nila hilig yung pansinin yung mga kakilala nila na nakakasalubong sa daan o kahit saan. Madalas iniisip ng ibang tao sa mga introvert ay weird sila dahil wala nga silang kinakausap na iba at minsan parang kinakausap nila yung sarili nila.


* Hindi sila mahilig gumala o pumunta kung saan saan madalas nasa bahay lang sila nagkukulong ng magisa at walang kinakausap na iba. Lagi sila yung mga taong naghihintay na sila yung unang kausapin bago makipag usap sa iba. Feeling nila lahat ng bagay magagawa nila na hindi nila kakailanganin ang tulong ng iba.


*Mahiyain silang tao madalas sila yung mga tao na makikita natin sa school na nagiisa sa sulok at tahimik lang palagi pero sa totoo kung ano ano na pumapasok sa isip nila habang nagiisa sila. Mahilig sila magtago ng secreto sa sarili lang nila. Tinitiis nila lahat ng sakit nagpapanggap sila na okay lang sila pero sa totoo sobrang sakit na ng nararamdaman nila mas gusto kasi nila sarilinin ang problema nila kesa ibahagi ito sa iba.


*Madalas maging sanhi ng pagiging introvert ay yung may mga parents na sobrang strict. Lahat binabawal sa kanilang mga anak gaya ng pakikipag kaibigan or barkada sa iba kaya nagiging mahiyain ang mga anak nila, nakukulangan din sila sa exposure sa mga events na madaming tao kaya hindi sila mahilig makipag socialize sa iba.



Extrovert

*Kabaliktaran naman ito nung nauna heto yung mga tao na mahilig makipaghalubilo sa iba o masasabi nating friendly. Madalas sila yung unang magchachat or makikipag kaibigan sa mga bagong kakilala nila. Naniniwala sila sa kasabihang mas madami mas masaya .


*Mahilig sila pumarty, gumala, gumimik, expose sila sa lahat lagi silang nasa labas kasama mga kaibigan nagkakasiyahan, sila yung mga taong happy go lucky, basta masaya sila hindi nila iniisip kung ano pwedeng mangyare sa kanila.


*Hindi sila takot ilabas ang kanilang mga talents, talino, at mga magagandang katangian nila, madalas sila yung taong sumasali sa pageant, mga paligsahan, nakikipag laban sa top sa school, humahabol ng posisyon sa loob at labas ng school.


*Ang mga extrovert na tayo ay madadaldal kwento sila ng kwento hindi sila magiging masaya hangga't hindi nila naikukwento ang kung anong nangyari o nasaksihan nila minsan nagiging sanhi na ito na nasasaktan nila ang damdamin ng iba dahil sa pagkukwento ng kung ano ano. Madalas sila mapagalitan sa school dahil nga madaldal sila.


*Mahilig sila sa mga adventures. Masayahin silang tao na makikita mo sa mukha nila at pagmalungkot naman sila ganun makikita mo parin ito sa kanilang mukha kasi hindi sila takot ipakita kung ano sila at kung ano ang nararamdaman nila. Showy silang tao.




Ibinahagi kolang po ang kakaunting nalalaman ko. Salamat po :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento